Winters used to be cold in England. We, my parents especially, spent them watching the wrestling. The wrestling they watched on their black-and-white television sets on Saturday afternoons represented a brief intrusion of life and colour in their otherwise monochrome lives. Their work overalls were faded, the sofa cover—unchanged for years—was faded, their memories of the people they had been before coming to England were fading too. My parents, their whole generation, treadmilled away the best years of their lives toiling in factories for shoddy paypackets. A life of drudgery, of deformed spines, of chronic arthritis, of severed hands. They bit their lips and put up with the pain. They had no option but to. In their minds they tried to switch off—to ignore the slights of co-workers, not to bridle against the glib cackling of foremen, and, in the case of Indian women, not to fret when they were slapped about by their husbands. Put up with the pain, they told themselves, deal with the pain—the shooting pains up the arms, the corroded hip joints, the back seizures from leaning over sewing machines for too many years, the callused knuckles from handwashing clothes, the rheumy knees from scrubbing the kitchen floor with their husbands' used underpants.
When my parents sat down to watch the wrestling on Saturday afternoons, milky cardamon tea in hand, they wanted to be entertained, they wanted a laugh. But they also wanted the good guy, just for once, to triumph over the bad guy. They wanted the swaggering, braying bully to get his come-uppance. They prayed for the nice guy, lying there on the canvas, trapped in a double-finger interlock or clutching his kidneys in agony, not to submit. If only he could hold out just a bit longer, bear the pain, last the course. If only he did these things, chances were, wrestling being what it was, that he would triumph. It was only a qualified victory, however. You'd see the winner, exhausted, barely able to wave to the crowd. The triumph was mainly one of survival. | Dati-rati ay maginaw ang mga taglamig sa Inglatera. Ang mga panahong ito ay ginugugol namin, lalo na ng aking mga magulang, sa panonood ng wrestling. Ang wrestling na pinapanood nila noon sa kanilang 'black and white' na tv tuwing Sabado ng tanghali ay nagpapakita ng maikling pagdalaw ng buhay sa kanilang simpleng-kulay na pamumuhay. Ang kanilang mga pantrabaho ay kupas na, ang sapin ng upuan – hindi napapalitan sa loob ng maraming panahon - ay kupas na, maging ang kanilang mga alaala ng kung ano sila bago dumating sa Inglatera ay kumukupas na rin. Ginugol ng aking mga magulang, ng kanilang buong henerasyon, ang pinakamabubuting mga taon ng kanilang mga buhay sa mga pabrika para sa katiting na halaga ng sahod. Isang buhay ng kawalang-kahulugan, ng baluktot na mga gulugod, ng malubhang sakit sa kasu-kasuan, ng napinsalang mga kamay. Kinakagat nila ang kanilang mga labi at tinitiis ang sakit. Wala silang anumang iba pang magagawa kundi ang gayon. Sa kanilang isipan, sinikap nilang pansamantalang tumigil – huwag pansinin ang mga pagkakamali ng mga katrabaho, huwag rendahan ang walang-kabuluhang pagtatawanan ng mga katiwala, at, sa kaso ng mga kababaihang galing sa India, hindi masaktan o magulumihanan kapag pinagkakatuwaan o kinakawawa sila sa mga kuwentuhan ng mga asawang lalaki. Mamuhay nang may-kapaitan, sinasabi nila sa kanilang sarili, harapin ang kapaitan - ang sumisirit na kirot pataas sa mga braso, ang napinsalang mga tadyang, ang mga sakit sa likod dulot ng pagyuko sa harap ng mga makina ng pananahi sa loob ng napakaraming taon, ang mga may-kalyong daliri dahil sa paglalaba gamit ang mga kamay, ang nirarayumang mga tuhod dahil sa paglalampaso ng sahig ng kusina gamit ang napaglumaang panloob ng kanilang mga asawa.
Kapag umuupo ang aking mga magulang upang panoorin ang wrestling tuwing Sabado ng tanghali, hawak ang tasa ng malapot na tsaang cardamon , nais nilang malibang, nais nilang masiyahan. Ngunit nais din nila, kahit isang beses lang, na magwagi ang mabuting tao laban sa masama. Nais nila na ang arogante, walang sinasantong kalaban ay matuto ng kaniyang leksyon. Nananalangin sila para sa mabuting tao, na nakahiga sa gitna ng sahig, bitag ng mga kamay ng kalaban o minamasahe ang kaniyang mga bato dahil sa kirot, na huwag sumuko. Kung maaari lamang na magpatuloy siya nang kaunting panahon pa, tiisin ang kirot, tapusin ang laban. Kung ginawa lamang niya ang mga bagay na ito, malamang, tulad ng kung ano ang wrestling, siya ay magwawagi. Gayunpaman, iyon ay isa lamang uri ng tagumpay. Makikita mo ang nagwagi, pagod, halos hindi magawang kumaway sa mga nanonood. Ang tagumpay ay, sa katunayan, ang pagiging buhay. |